Pistang Tomas: Kultura, Lahi at Sining
Pistang Tomas: Kultura, Lahi at Sining
Litrato mula sa UST Commerce at Business Administration Student Council Twitter Account
Nuong Nakaraang Pebrero 12-25 ng taong 2018, ang UST ay nag sagawa ng isang kaganapan o ang tinatawag nating Pistang Tomas. Ito ay pinangunahan ng UST Simbahayan Community Development Office, kasama pa ang ibang mga organisasyon at ibang mga kolehiyo. Ang Pista ay ipinagdiwang ang iba't-ibang kultura, lahit at maging ang sining ng iba't ibang komunidad sa Pilipinas. Ipinagdiwang ito ng apat na araw kung saan nagkaroon ng mga aktibidad para sa ating mga dumayong kapatid. Ito ay naging maganda upang mabuksan ang isipan ng mga mag-aaral sa Unibersidad upang magkaroon sila ng onting kaalaman sa kung ano ang kultura at iba't-ibang sining na maihahandog o mayroon ang iba't-ibang komunidad sa bansa.
Sa ating kurikulum sa Senior High School, mayroong dalawang asignaturang tumatalakay sa kung ano ang Komunidad at gaano ito nakakaapekto sa bayan. Ito ay ang "Culminating Activities" at "Community Engagement Solidarity and Citizenship". Mahalagang alamin kung bakit ito kailangan pag-aralan lalo na sa mga estudyante ng Humanities and Social Sciences. Una, dahil kailangan nating malaman ang buhay sa labas ng paaralan. Pangalawa, upang mas maging bukas ang ating isipan sa kung ano ang katotohanan at nangyayari sa ating bansa. Pangatlo, upang mabuksan ang ating isip at puso sa iba't ibang kultura na mayroon ang mga komunidad sa bansa. Liban duon, napakaraming komunidad ang bansang Pilipinas. Sa isang rehiyon palang ay hindi mo na mabilang kung gaano kadami ang pamilya na bumubuo ng isang komunidad. Iba't-ibang kultura, lahi kung minsan. Kaya't ang mga proyektong ganito, katulad ng Pistang Tomas ay nakakatulong upang mas buksan ang isipan ng mga bata. Upang maranasan, makita nila ang kultura - hindi lang pag-aralan, kung hindi pati maranasan.
Mula sa iba't-ibang bagay o gamit na dala ng ating mga kapatid mula sa kanilang kultura, pumili ako ng tatlong aytem na pwede kong talakayin sa blog na ito. Nagkaroon din ako ng pamantayan sa pag-pili. Una ay ang personal kong kagustuhan sa bagay na nakita ko, pangalawa, kung gano ito kahalaga bilang isang aytem sa isang kultura. Pangatlo, ay kung may potensyal ba itong maging sikat sa kasalukuyang panahon.
1. Kalinga Food Treat's Unoy Champorado Blend (Agbannawag, Tabuk City)
Hindi na sikreto sa ating mga pinoy ang hilig natin sa Champorado. Napili ko itong isang aytem o pagkain dahil ito ay aking personal na paboritong umagahan. Ang tamis na dulot nito at kabusugan na dala nito sa aking tsan ang isa sa mga bagay na gustong-gusto ko, kapag kumakain ng champorado. Kaya't nung nakita ko ito, agad-agad ko itong pinuntahan. Para saakin, ang champorado ay mahalaga para sa ating kultura, una, dahil pwede itong maging simbolo ng pagka Pilipino. Lingid naman sa ating kaalaman na ang pagkaing Champorado ay sikat sa ating bansa at paborito ng ngilan. Ngunit nitong mga kasalukuyang panahon, ang champorado ay hindi na gaanong kasikat dahil onti nalamang ang nagluluto nito sa mga syudad sa Maynila. Kaya naman kung magkakaroon ng oportunidad ang Unoy Champorado Blend na magtinda ng kanilang Champorado sa Manila, natitiyak kong maraming magkakaroon ng interes at magbabalik loob sa pagkain ng Champorado. Marahil dahil ito ay kanilang na "miss" o 'di kaya'y ito ay mukhang bago sakanila dahil hindi na ito gaano kasikat. Dahil dito, malaki ang kanilang oportunidad upang sumikat at maging "trending" at may posibilidad pang gayahin ng iilang negosyo na kayang mag-hain ng ganitong pagkain.
2. Mga kagamitan at kulturang yaman na alahas at palamuti ng T'boli Tribe. (South Cotabato sa Mindanao)
Likas na mahilig ang mga Pilipino sa alahas. Ngunit papaano kung ang alahas na mayroon tayo ay hindi alahas na pangkaraniwang nabibili sa mga pamilihan kagaya ng malls, tindahan ng mga alahas kung saan may mga mamahaling singsing, hikaw at iba pa. Ngunit paano kung ang lumantad sa'yong alahas ay mga alahas na gawa ng T'boli Tribe ng South Cotabato? Bibilhin mo ba ito? O 'di kaya'y tititigan nang matagal kagaya ng aking ginawa? Nuong makita ko ito sa Pista, agad-agad ko itong pinuntahan. Hindi dahil kakaiba (marami na akong nakitang ganito nuon) ngunit alam ko sa sarili ko na kailangan ng taong mahalin muli ang mga bagay na ganito. Una ay dahil sa pag gamit nito, napapangalagaan ang ating kultura. Mas napapalapit ang mga Pilipino sa kultura o lahi ng mga taong nagtitinda nito kung sila ay bibili o kapag hinayaan nilang maranasan o masuot ang mga alahas na kawa ng komunidad na galing sa Pilipinas. Para saakin, iba pa rin ang karanasan kapag ang suot mong damit o alahas ay gawang Pinoy. Binibigyan ka nito ng sariling pagkakakilanlan na oo, Pilipino nga pala talaga ako. Napili ko rin na talakayin ang aytem na ito sapagkat nais kong ipasok ang sarili ko sa ibang kultura. Sa pag gamit nitong alahas na ito, maipapasok ko ang sarili ko sa kultura ng mga tiga T'boli.
Mas makikilala ko sila at mas magiging madali ang komunikasyon namin para sa isa't isa. Magkakaroon din ako ng abilidad na mas intindihin sila kung ang perspektibong gagamitin ko ay ang perspektibo nila. Kung hahayaan ko ang sarili ko na maging isa sa kanila. Para saakin, may kakayahan na sumikat itong aytem na ito sapagkat ang mga Pilipino ngayon ay mahilig sumali sa mga usapin tungkol sa pag taguyod ng ating kultura. Sa UST nga lang mismo ay meron tayong iba't ibang uri ng organisasyon na nagtataguyod ng ating kultura at pagmamahal sa bayan. Patunay ito na ipinaglalaban natin ang ating kultura at mas pinapahalagahan natin kung ano ang sariling atin. Sa mga gamit na ito, mas maipapakita natin ang pagmamahal na meron tayo para sa kulturang Pilipino.
3. Mga pana, flute at iba pang kagamitan mula sa Barangay San Martin, Tarlac
Ang mga pana ang isa sa mga kauna-unahang sandata nuong unang panahon. Madalas itong gamitin ng ating mga ninuno para sa pangangaso. Ginagamit din nila ito sa giyera. At madalas, nakikita rin natin ito sa mga palabas ma pa sa ibang bansa o maging saatin. Nuong nakita ko ito, agad akong nabighani sa ganda at kinis nito! Nais ko itong gamitin na para bang isa akong bida sa isang palabas. Mahilig ako manood ng mga teleserye ng ibang bansa, at isa na sa teleseryeng nasubaybayan ko ay ang teleserye na "Arrow." Hango ito sa komiks ng "DC Comics." Dati palamang ay mas gusto ko na ang pana kaysa sa baril. Kaya naman hindi maikakaila na napili ko ang aytem na ito. Maari itong sumikat para saakin, una ay dahil ni minsan nalang tayo makakita ng ganito sa ating bansa. Dahil sa kadahilanan na 'yon, kapag ito ay naibenta sa atin o sa siyudad, magugustuhan ito ng mga tao. Maaari nila itong magamit bilang props, disenyo o kung sa ano mang bagay nila ito gustong gamitin.
Ang mga flute din ay nakakabighani dahil isa itong sining. Ang musika ay isang sining. Likas na mahilig sa musiko ang mga Pilipino! Kaya't natitiyak ko na maaaring pumatok ang flute na ito kung maibebenta ng maayos. Magiging maganda rin ito para saatin dahil mas napapalapit tayo sa gawang atin at sa sarili nating kultura.
Bagama't hindi pa laganap ang mga gamit na nabanggit sa taas, naiisip ko pa rin na sayang, dahil sa piling lugar lamang meron nito. Ipinagdarasal ko na ang mga gamit na iyan at ang ibang gamit na naipakita sa Pistang Tomasino, ma pa pag-kain man 'yan, sana ay maidala sa siyudad at maipalaganap dahil iyan ay ating kultura. 'Yan ang naghuhugis ng ating pagka-Pilipino. Sa mga kagamitan na iyan natin masasabing Pilipino ako. Pilipino tayo. Duon na rin natin masasabi na ang mga kultura, lahi at sining ng ating mga kapatid sa ibang komunidad ay hindi pa patay. Ngunit onti-unti na itong namamatay. Alam kong marami pa tayong magagawa. Nawa'y mahalin natin ang sariling atin. Mag-simula tayo sa kung ano ang meron tayo sa bansa. Mag-simula tayong magpaka- Pilipino. Mahalin ang sariling atin. Nang sa gayon ang Kultura, Lahi at Sining ay kailanman, hindi makakalimutan.
The post itself was very informative about the event and as well as the items being sold in said event. It was formatted really neatly and the use of the Filipino language through out the whole post gave a much more Filipino impact on it due to the fact the event being described is all about Philippine culture and such.
TumugonBurahinThe pictures taken really show just how colorful and fun the experience was.
As I read through the post, I can really feel just how much the blogger enjoyed this fiesta. He may have enjoyed it, but he also gained some knowledge along the way. He learned and realized a few things about our culture and many more.
This post is relevant to the masses and should be really out there since more people need to be involved in our culture. People need to know more about the things they don't completely understand or know about.
If I were to find anyone who needs to be more informed about items related to Philippine culture, I will definitely link this post.
Good job, cinephile blogger! Let the Philippine culture be known more to all and may you keep up the good work on writing so passionately about the Philippines!